Влез Регистрация

Скрий

Забравена парола

Забравена парола? Въведи твоят e-mail адрес и ще ти изпратим link, с който да създадеш нова парола.

Назад

Затвори
Brownman Revival

Brownman Revival

Maling Akala

Адреса на видеото във Youtube, Vbox7 или Vimeo

Оригинален текст

May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung ako'y naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa, meron nang pamilya
Wala ngang multo ngunit takot sa asawa ko

[Refrain]
Di mo na kailangan mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

[Chorus]
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami (gumagrabe)
Hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka hah...
Ng maling akala

Nasaan na ba ako, kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay, akala'y madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil di nakapagtapos

[Repeat refrain]

[Repeat chorus except last line]

May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay ahh...
Sa maling akala

Sa maling akala... (Oh yeah)
Sa maling akala

Maliit na butas lumalaki (sa maling akala)
Konting gusot, dumadami
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, gumagrabe{repeat 2x]
Hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka hah...
Ng maling akala...

добави Превод

Зареди коментарите

Още текстове от Brownman Revival