Оригинален текст
Ang natutuwang baliw, yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw, ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay, salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman
Sinasambit ng baliw, awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling, tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman
Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip di lubos?
O husto ang isip, Ngunit sa pag-ibig ay kapos
Ang kanyang tanging suot, ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binata ang gayak, panay diamante at hiyas
Ngunit oras maghubad, kulay ahas ang balat
Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip hindi lubos?
O husto ang isip, Ngunit sa pag-ibig ay kapos
Sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata, isa lamang siyang baliw
Ngunit, kung tayo ay, hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal
Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaong bang sinilang, na ang pag-iisip di lubos?
O husto ang isip
Kaya't sino, sino, sino, sino nga
Sino nga ba, Sino Sino ba,
Sino nga ba ang tunay na baliw?